dzme1530.ph

PBBM, inaprubahan ang pag-deputize sa PNP, AFP, at iba pang ahensya para sa plebisito sa paghahati sa 6 Brgy. sa Bagong Silang sa Caloocan

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-deputize sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang ahensya para sa plebisito sa paghahati sa anim na Brgy. sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City.

Sa Memorandum Order No. 31, sinang-ayunan ng Pangulo ang hiling ng Commission on Elections en banc para sa pag-deputize ng law enforcement agencies at instrumentalities, upang matiyak ang malaya, maayos, tapat, mapayapa, at credible na botohan.

Kaugnay dito, inatasan ang mga kaukulang ahensya na direktang makipag-ugnayan sa Comelec para sa plebisito.

Mababatid na sa ilalim ng Republic Act No. 11993, hahatiin ang Brgy. Bagong Silang sa anim na independent brgys.

Ngayong Sabado, August 31, idaraos ang plebisito para sa pag-ratipika sa paghahati sa brgy.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author