Aminado ang National Economic and Development Authority na may mga problema sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyon.
Sa Malacañang Insider program, inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na may mga nakitang isyu sa PDP na dapat ayusin upang maisakatuparan ang development goals hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Kabilang na dito ang pagkakamit ng single-digit level poverty rate, pagbibigay ng mga dekalidad na trabaho sa mga ordinaryong Pilipino, at inklusibong paglago na dapat maramdaman hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga rehiyon at liblib na lugar sa bansa.
Kaugnay dito, iginiit ni Balisacan na dapat tutukan ang imprastraktura at connectivity na itong magtutulak sa pag-unlad.
Magsasagawa rin ang NEDA ng mid-term reform sa susunod na taon upang alamin ang status ng implementasyon ng mga plano at programa ng Pangulo, at matuto sa mga leksyon mula sa unang tatlong taon ng administrasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News