dzme1530.ph

Carlos Yulo at iba pang PH athletes na sumabak sa Paris Olympics, tatanggap ng bukod na cash incentive mula sa Pangulo

Tatanggap ng cash incentive mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang double olympic gold medalist na si Carlos Yulo, at iba pang atletang Pilipinong sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ay bukod pa sa cash incentive na ibibigay ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act no. 10699 o ang National Coaches and Athletes’ Benefits and Incentives Act.

Ito ay ipagkakaloob sa idaraos na heroes’ welcome sa Malacañang para sa mga atleta mamayang gabi, kasabay ng pagbibigay ng presidential citation.

Kasama rin sa mga tatanggap ng incentive maging ang mga atletang bigong makapag-uwi ng medalya.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang halaga ng cash incentive mula sa Pangulo.

Samantala, darating sila sa bansa ang Philippine Delegation, mamayang alas-6:00 ng gabi.

About The Author