dzme1530.ph

PISTON, makikiisa sa tatlong araw na transport strike na magsisimula bukas

Lalahok din ang grupong PISTON sa tatlong araw na nationwide transport strike para tutulan ang implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Sinabi ni PISTON President Mody Floranda na makikiisa sila sa MANIBELA at iba pang transport groups sa gagawing “Welga sa Ruta” na magsisimula bukas.

Ito aniya ang kanilang tugon sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na ito magbibigay pa ng extension sa mga operator.

Ikinasa ng transport groups ang protesta matapos ihayag ng Pangulo ang suporta na ituloy ang PUVMP, sa kabila nang panawagan ng Senado na suspindihin muna ang implementasyon ng programa.

About The Author