dzme1530.ph

PNP, ilulunsad ang bagong istratehiya kontra iligal na droga

Panibagong “recalibrated approach” o bagong istratehiya sa kampanya kontra iligal na droga ang ilulunsad ng Philippine National Police.

Sinabi ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, layunin nitong iprayoridad ang source ng droga kaysa sa mga street level pusher at users.

Aniya, mas mare-resolba ang problema kung puputululin ang ugat nito at sa ganitong paraan, magiging “less bloody” o hindi na madugo at marahas ang naturang kampanya.

Kasama sa bagong idinesenyong istratehiya ang pangangalaga sa human rights, mas pinaigting na intelligence operations at mas pinalakas na ugnayan ng pulisya at komunidad. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author