dzme1530.ph

Operasyon ng POGO hub sa bansa, banta sa national security; dapat nang i-ban.

Maituturing na national security threat ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa makaraang matuklasan mga hinihinalang Chinese Military Uniforms sa sinalakay na POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian kasabay ng pag-giit na panibago itong dahilan para tuluyan nang i-ban ang POGO sa bansa.

Muling iginiit ni Gatchalian na binuksan ng mga POGO ang pinto, hindi lamang para makapasok ang mga kriminal na sindikato sa bansa, kundi para na rin sa mga nais na pasukin at sirain ang ating governmental at political institutions.

Base sa impormasyon, isa sa mga nakuhang ebidensya sa Porac POGO Hub ang mga camouflage uniform na may nakalagay na P.L.A. initials sa mga butones nito.

Hinihinala ng mga awtoridad na posibleng ang initials na ito ay nangangahulugang People’s Liberation Army, ang military force ng China.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung mayroong mga sundalong Chinese na nagpapanggap bilang mga manggagawa ng POGO dito sa bansa.

About The Author