dzme1530.ph

PBBM, ipinamahagi ang mahigit 2,000 titulo ng lupa sa Agrarian Reform Beneficiaries

Ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mahigit 2,000 titulo ng lupa sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Bicol region.

Sa seremonya sa Fuerte Camsur Sports Complex sa Pili, Camarines Sur ngayong biyernes, itinurnover ni Marcos ang 2,115 certificates of land ownership award na sumasaklaw sa 3,328 ektarya ng lupa.

Tinanggap ito ng 1,965 ARBs mula Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Albay, Camarines Norte, at Camarines Sur.

Samantala, inabutan din ng financial assistance ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño, kasama ng hybrid rice seeds, fertilizer vouchers, at mga makinarya.

Ibinigay din ang monetary support sa mga lalawigan, at payout sa ilalim ng Tupad program ng DOLE at Akap ng DSWD.

About The Author