dzme1530.ph

Lugi sa sektor ng agrikultura, lumobo pa sa P81.84 -M

Pumalo pa sa P81.84 million ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura bunsod ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), aabot sa 948 na ektarya ng lupain sa CALABARZON at MIMAROPA ang pinadapa ng bagyo.

Apektado naman ang nasa 1,482 na magsasaka matapos masayang ang 2,586 metrikong tonelada ng ibat-ibang produkto kabilang na dito ang palayan, maisan at high value crops.

Samantala, sinabi ng DA na may 24,514 alagang hayop sa livestock at poultry sector ang nasawi habang may naiulat ring pinsala sa agricultural infrastructure at mga makinarya sa Region 4-A.

Tiniyak naman ng DA ang tulong sa mga nasalantang magsasaka.

About The Author