dzme1530.ph

Suspek sa road rage incident nag positibo sa paraffin test

Nagpositibo sa paraffin test ang suspek sa pamamaril sa isang driver sa Southbound lane ng Ayala tunnel sa Makati City nitong Martes ng hapon.

Sa isang briefing, ibinunyag ni DILG secretary Benjur Abalos na naaresto ang suspek na si Gerard Yu, isang Filipino-Chinese, sa kanyang bahay sa Riverside Village, Pasig City.

Dito nakita ang isang itim na Mercedes Benz na may plate number na DAD98670; nakuha din ng mga otoridad sa loob ng sasakyan ang plate number na BCS77 na gamit ng suspect ng mangyari ang shooting incident.

Nakumpiska rito ang taurus pistol na tumugma sa nakuhang fired cartridge sa pinangyarihan ng krimen gayundin ang dalawang kalibre kwarentang baril.

Sa pagsuri sa firearms and explosives office, natuklasan din ng PNP na walang nakarehistrong baril sa pangalan ng suspek.

Sinabi ni Abalos sa pamilya ng biktima na sisikapin ng dilg na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Aniceto Mateo.

 

About The Author