Isusulong ni Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos ang Special Persons with Disabilities (PWDs) Act, na magbibigay ng P1,000 buwanang tulong-pinansiyal sa lehitimong PWDs para makatulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Ito ang ipinagako ni Cong. Delos Santos sa harap ng 100 PWD beneficiaries ng isang charity event sa Quezon City.
Bukod sa pamamahagi ng grocery packs, at wheelchairs, inialok din ng Ang Probinsyano Party List ang scholarship para sa mga ka-anak ng PWDs.
Sinabi ni Delos Santos na makikipagtulungan sila sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, at pamilya ng PWDs para sa tamang edukasyon, kalusugan at pamumuhay ng mga ito.
Matatandaang si Delos Santos din ang naghain din ng panukalang magbibigay sa pwds ng 20% discount sa pagkain, gamot at serbisyo at nakapag-akda ng aabot sa 400 panukalang batas.