Nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mananakay ng Pasig River Ferry Service na hindi madaanan ng ferry boat ang ilog Pasig mula PUP hanggang Escolta Station.
Itoy dahil sa mga naglutangang basura na posibleng makakaapekto sa makina ng ferry boat.
Dahil dito nanawagan ang MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura, at wag gawing tapunan ang ilog Pasig at iba pang daluyan ng tubig na maaring maging sanhi ng pagbaha sa Metro Manila sa panahon ng tag ulan.
Kasabay nito, tuloy-tuloy naman ang paglilinis sa ilog Pasig sa pamamagitan ng mga trash skimmer na mabilis na nakakakolekta sa mga basura na nasa tubig upang maging tuloy tuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Service.