dzme1530.ph

DTI, maglalabas ng bagong SRP sa mga pangunahing produkto

Maglalabas ang Department of Trade and Industry ng bagong Suggested Retail Price (SRP) bulletin sa mga pangunahing produkto.

Ayon kay DTI Asec. for Consumer Protection Group Atty. Amanda Nograles, magiging bahagi ng bagong SRP bulletin ang unit cost, kung saan matutukoy ang presyo ng bilihin sa kada gramo o miligram.

Sa pamamagitan nito, malalaman umano kung anong mga produkto ang bagamat hindi nagtaas ng presyo ay binawasan naman ang dami o timbang, o kaya naman ang mga nagbaba ng presyo at nagbaba rin ng timbang.

Layunin din nitong magabayan ang mga consumer sa pagkukumpara sa presyo ng mga bilihin.

Mababatid na huling naglabas ng SRP bulletin ang DTI sa ilang piling produkto noong Enero.

About The Author