Naghahanap ang Austria ng professional workers para sa Hospitality, Healthcare, at Information Technology/Engineering Sectors.
Sa impormasyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW), nasa P124,000 – P186,000 kada buwan ang sweldo ng mga nagta-trabaho sa Hospitality sector.
Nasa pagitan naman ng P155,000- P255,000 ang buwanang sahod sa healthcare sector habang P186,000- P373,000 sa IT/Engineering sector.
Mayroon din umanong tsansa na maging permanenteng residente sa Austria ang mga aplikanteng matatanggap sa trabaho.