dzme1530.ph

Imbestigasyon sa sinasabing wiretapping ng Chinese Embassy, posibleng mauwi sa executive session

Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na masyadong sensitibo ang usapin sa sinasabing wiretapping ng Chinese Embassy sa usapan umano ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa new model sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sinabi ni Zubiri na tatalakayin muna nila sa close door meeting kasama si Defense Sec. Gilbert Teodoro ang isyu bago ang itinakdang pagdinig ng Senate Committee on National Defense.

Ipinaliwanag ng senate leader na dapat matiyak na walang anumang impormasyong makaaapekto sa operasyon ng militar at ng Coast Guard ang maisasapubliko sa hearing.

Titignan din aniya nila kung maaaring idaan na lamang sa executive session ang usapin.

 

About The Author