Sinampahan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ng mga kasong libel at cyberlibel si dating Presidential Spokesman Harry Roque, pati ang mga pro-Duterte vloggers at hosts ng SMNI dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at pagpapakalat ng “fake news.”
Inihain ng dating mambabatas ang naturang asunto sa Quezon City Prosecutor’s Office at sa National Bureau of Investigation.
Sa kaniyang complaint-affidavit, idinemanda ni Trillanes si Roque, ang vlogger na si Banat By, at iba pang respondents makaraang akusahan siya ng mga ito na ibinenta niya ang Scarborough Shoal sa China noong 2012, sa pamamagitan ng iba’t ibang videos na naka-post sa social media noong March hanggang April 2024.
Kabilang sa iba pang respondents ay ang vlogger na si Guillerma Arcillas at SMNI hosts na sina MJ Mondejar, Admar Vilando, Ludevija Ayang, at Marlon Rosete.