dzme1530.ph

Ex-Sen. Pacquiao, sasabak sa 2025 Senatorial elections

Halos isang taon pa bago ang halalan sa Mayo 2025, nagdeklara na si dating Sen. Manny Pacquiao ng kanyang kandidatura para sa Senatorial elections.

Kinumpirma rin ni Pacquiao na sasama siya administration ticket subalit kakatawanin pa rin ang kanyang political party na Probinsiya Muna Development Initiative (PROMDI).

Inihayag din ni Pacquiao na nakatakda ring makipag-alyanda ang PROMDI party sa Partido Federal ng Pilipinas.

Layun ng alyansa nna palakasin ang kani-kanilang plataporma at palawakin ang naaabot ng kanilang serbisyo.

Sinabi ni Pacquiao na suportado niya ang mga programa ng administrasyon sa countryside development na dapat anyang iprayoridad upang matiyak ang patas na access ng tao sa oportunidad at basic services.

About The Author