Hiniling ni Agri-partylist Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na i-prayoridad ang pagkuha ng suplay ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na patuloy na nakaaapekto sa lokal na industriya simula ng muli itong tumama sa bansa noong 2018.
Umaasa si Lee na ngayong magiging available na ang bakuna kontra-ASF ay aaksyon agad ang gobyerno para makakuha ng supply at maipamahagi ito sa mga stakeholder sa lalong madaling panahon.
Dagdag ni Lee, makatutulong ang Nationwide Vaccination Drive para matulungan ang ating mga hog raiser na labanan ang pagkalat ng ASF kagaya ng matagumpay na pagtugon sa Covid-19 ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Nakatitiyak si Lee, na kung masusugpo natin ang ASF sa bansa ay mabibigyan ng ginhawa hindi lang ang livestock industry, kundi maging ang pamilyang pilipino na hirap sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.