dzme1530.ph

PNP, mag-a-outsource ng law firm para sa mga pulis na nahaharap sa mga kaso

Dismayado si PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa kakulangan ng legal assistance para sa mga pulis na nahaharap sa mga kaso.

Dahil dito, posibleng kailanganin aniya ng PNP na mag-outsource ng serbisyo mula sa mga law firm para tumulong sa kanila.

Sa ambush interview, binigyang diin ni Marbil, na ang kailangan ngayon ng mga pulis, lalo na ang mga nasa mababang ranggo, ay legal aid at health cards na maidaragdag sa kanilang mga benepisyo.

Sinabi ng PNP Chief na kapag nakakahuli sila ng malalaking tao ay wala silang nakukuhang legal assistance.

Aniya, bagaman magaling ang Legal Service ng PNP ay hindi ito sapat para matulungan ang lahat ng mga pulis.

About The Author