dzme1530.ph

Deniece Cornejo at Simeon Raz, ikinulong na

Nakakulong na sa Correctional Institute for Women (CIW) ang convected model na si Deniece Cornejo.

Ito’y base sa impormasyon ni Taguig City Police Chief P/Col. Christopher Olazo, habang dinala naman kagabi ang Businessman na si Simeon Raz sa hiwalay na kulungan sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Col. Olazo dinala sa magkahiwalay na kulungan ang dalawang akusadong sina Cornejo at Raz matapos silang sumailalim sa medical examination, booking procedure at court clearance.

Matatandaang kahapon lamang hinatulan ng Taguig RTC ng reclusion Perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo ang mga akusadong sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz at iba pa dahil sa kasong serious illegal detention and ransom na isinampa ng actor host na si Vhong Navarro.

About The Author