dzme1530.ph

PISTON, sinimulan ang unang araw ng tigil-pasada

Nagsimula na kaninang alas sais ng umaga ang unang araw na tigil-pasada ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Baclaran.

Ayon kay Marlyn Lapitan Secretary ng PISTON Baclaran, hanggang alas tres mamayang hapon isasagawa ng kanilang linya sa Baclaran, Mabini Harrison papuntang Divisoria ang transport strike.

Sinabi ni Lapitan na inaantay pa rin nila ang desisyon ng korte suprema kung patuloy pa silang makababiyahe o hindi na.

30% lamang aniya ang nag-paconsolidate sa kanilang lugar sa takot na hindi maka-pamasada.

Binanggit naman nito ang ilan sa dahilan kung bakit kanilang tinutulan ang April 30 consolidation deadline, na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

About The Author