dzme1530.ph

Bahagi ng Sales Road sa Pasay na isinara dahil sa sinkhole, binuksan na para sa Light Vehicles

Bukas na sa magagaan na sasakyan ang isinarang bahagi ng Sales Road sa Pasay City.

Ito’y matapos matakpan ng maintenance team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – South Manila District Engineering Office at Maynilad ang malaking butas na nadiskubre sa naturang kalsada noong linggo.

Lunes nang simulan ang Repair Works, gaya ng backfilling at pagsesemento sa naturang bahagi ng Sales Road.

Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na Light Vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa bagong kumpuning kalsada upang matiyak ang Public Safety.

About The Author