dzme1530.ph

6 coastal areas positibo pa rin sa red tide toxin

Positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang coastal waters sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakataas ang red tide alert sa coastal waters ng Milagros, Masbate; Dauis at Tagbilaran city sa Bohol; San Pedro bay sa Samar at Matarinao bay sa Eastern Samar; Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte.

Dahil sa red tide, hindi pa rin ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish na magmumula sa mga nabanggit na baybayin.

Gayunman, sinabi naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango  na mahahango sa naturang katubigan basta’t sariwa ang mga ito, nahugasan at naluto ng maigi.

About The Author