dzme1530.ph

₱7-B pondo, ginastos ng gobyerno kada taon sa Non-Poor Beneficiaries ng DEPED voucher program

Umabot sa ₱7-B ang ginugol ng pamahalaan bawat taon para sa mga benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) na hindi naman nangangailangan o ‘yung tinatawag na Non-Poor Beneficiaries.

Ito ang isa sa mga pinuna ni Sen. Win Gatchalian sa pagtalakay sa pagpapatupad ng Republic Act No. 8545 o Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE) Act.

Sa ilalim ng SHS-VP, nakakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng voucher ang mga kwalipikadong mag-aaral.

Batay sa pagsusuri, lumalabas na noong school year 2021-2022, P7.21 bilyon o 53% ng P13.69 bilyong pondong nakalaan sa SHS-VP ang napunta sa mga non-poor learners habang P7.30 billion noong school year 2019-2020.

Sinabi ni Gatchalian na mahalagang itama agad ang proseso at tiyaking napupunta ang bawat sentimo sa mga nangangailangang mag-aaral at sa maayos na pagpapatakbo ng mga programa at proyekto.

Pinuna na rin ng senador ang parehong suliranin sa pagpapatupad ng Educational Service Contracting (ESC) program kung saan noong school year 2020-2021, 68% ng mga benepisyaryo ang nagmula sa mga non-poor households.

About The Author