Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang nasawing Pilipino sa gun attack sa Russia kasabay ng pahayag na kinokondena nito ang nangyaring pag-atake sa Moscow.
Sinabi ng DFA na nasa ligtas na kondisyon ang nasa 10,000 Pinoy na naninirahan at nagta-trabaho sa Russia.
Ipinahatid din nito ang pakikiramay sa mga naulila ng 133 concert attendees na nasawi sa insidente at hiniling ang mabilisang paggaling ng nasa mahigit 100 sugatan.
Una nang inako ng Islamic State (ISIS) ang naturang pag-atake.
Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang 11 katao na pinaniniwalaang nasa likod ng malagim na trahedya.