dzme1530.ph

PBBM, dumating na sa Germany para sa 3-day working visit!

Dumating na sa Germany si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 3-day working visit.

9:49 ng gabi oras sa Germany o alas 4:49 ng madaling araw sa Pilipinas nang lumapag ang Philippine Airlines Flight PR 001 sa Branderburg International Airport sa Berlin.

Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay German Chancellor Olaf Scholz, kasabay na rin ng paggunita sa ika-70 Anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at Germany.

Seselyuhan naman joint declaration of intent sa pagpapalakas ng maritime cooperation kaakibat ng pagpapaigting ng ugnayan sa depensa.

Lalagdaan din ang Cooperation Programme sa pagitan ng Technical Educational and Skills Development Authority at German Federal Institute for Vocational Education and Training.

Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa Berlin.

About The Author