dzme1530.ph

BOC, nalagpasan ang kanilang collection target noong Pebrero ng P4-B

Nahigitan ng Bureau of Customs ang kanilang collection target para sa buwan ng Pebrero.

Ayon sa BOC, umabot sa P70.601 billion ang kanilang revenues noong nakaraang buwan, na mas mataas ng 6.64% kumpara sa target na P66.207 billion.

Sa unang dalawang buwan ng 2024, naitala sa P10.444 billion ang koleksyon ng Customs, higit ng 7.82% kumpara sa kanilang two-month target.

About The Author