dzme1530.ph

Hostages sa Gaza, biktima rin nang sexual violence ayon sa United Nations

Kumbinsido ang United Nations na nakaranas ng sexual violence at sexualized torture ang hostages ng Hamas sa Gaza.

Ayon kay UN Special Envoy Pramila Patten, hawak nila ang ilang impormasyong nagtuturo sa posibleng rape at gang rapes sa unang terror attack ng Hamas sa Israel.

Matapos kasi ang research mission ng UN sa Israel noong Enero hanggang Pebrero 2024, nakita ang mga nagkalat na bangkay ng ilang babae na walang saplot at nakatali ang mga kamay.

Nabanggit rin ng organisasyon na mayroong sapat na batayan na makapagsasabing patuloy pa rin ang nasabing pang aabuso.

About The Author