dzme1530.ph

3 ambulansya na walang sakay na pasyente, sinita ng DOTr nang dumaan sa EDSA Busway

Tatlong ambulansya ang pinigil ng DOTr-Special Action Intelligence Committee for Transportation dahil sa pagpasok sa EDSA Bus Lane, subalit hindi naman reresponde sa emergency.

Ayon sa report, lumipat sa EDSA Busway ang mga ambulansya at in-activate ang kanilang blinkers kahit walang mga sakay na pasahero, upang maiwasan ang mabigat na trapiko.

Agad namang hinarang ang mga ito ng mga tauhan ng SAICT at Philippine Coast Guard, at inisyuhan ng tickets sa Ortigas Station ng EDSA Busway.

Una nang inihayag ng DOTr na pinaigting nila ang panghuhuli sa mga colorum na ambulansya at emergency vehicles na gumagamit ng blinkers at sirena dahil bukod sa maaring magdulot ito ng kapahamakan sa publiko, ay nababalewala rin ang tunay na layunin ng naturang sasakyan.

About The Author