dzme1530.ph

90K botante, lalahok sa plebisito sa BARMM

Nasa 90,000 botante ang inaasahang lalahok sa plebisito na magraratipika sa paglikha ng walong bagong munisipalidad sa Bangsamoro Special Geographic Area sa April 13.

Binigyang diin ni Comelec Chairman George Garcia ang kahalagahan ng plebisito, dahil ito aniya ang magbibigay linaw sa mga lugar para sa gagawing halalan sa Mayo sa susunod na taon.

Sinabi ni Garcia na ang walong munisipalidad na raratipikahan ay hindi na magiging bahagi ng North Cotabato, subalit magiging parte na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inihayag ng Comelec Chief na kapag nanalo ang “Yes” vote, mararatipikahan ang paglikha ng mga Munisipalidad ng Kadayangan, Ligawasan, Malidegao, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Pahamuddin, at Tugunan.

About The Author