dzme1530.ph

Multi-awarded actress Jaclyn Jose, pumanaw sa edad na 59

Nagluluksa ngayon ang Entertainment industry sa biglaang pagpanaw ng mahusay na aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 59.

Kagabi ay kinumpirma sa balita ang pagkamatay ng multi-awarded actress, bagaman hindi pa inihahayag sa publiko ang kanyang cause of death.

October 21, 1964 nang isilang si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay, sa Angeles City, Pampanga.

Ang kanyang husay sa pag-arte ay umani ng pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies, kabilang ang napanalunan niyang “Best Actress Award” sa The Cannes Film Festival noong 2016 para sa pagganap sa Brillante Mendoza Film na “Ma’ Rosa.”

Nakikiramay ang Himpilan ng DZME, ang Radyo Uno, sa pagpanaw ng mahusay na aktres na nag-iwan ng hindi malilimutang kontribusyon sa pinilakang tabing at telebisyon.

About The Author