dzme1530.ph

Sister ni Ria Atayde na si Gela, may bilin kay Zanjoe Marudo

Right after ng announcement ng engagement nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ay may bilin agad ang sister ni Ria na si Gela Atayde sa future brother-in-law nito.

Pakiusap ni Gela kay Zanjoe, alagaan ng mabuti ang kaniyang ate.

Hirit pa ng little sister ni Ria sa kanyang Instagram story, “She’s a little fragile and stubborn, but she’s ok”.

Ang mga little sister talaga, subtle and nonchalant pero sila ang pinaka may-care for you.

Mababatid na January 2023, kinumpirma nina Zanjoe at Ria ang kanilang relasyon, at nitong February 20 lamang ay inanunsyo na nga nina Ria at Zanjoe sa kani-kanilang social media accounts na engaged na sila kung saan, “forever sounds good,” ang caption ng aktres sa kanilang picture ni Zanjoe, samantalang “hi fiance” naman ang paandar ni Zanjoe sa kaniyang IG story.

Panulat ni Justin Angeles, DZME Intern

About The Author