dzme1530.ph

DSWD, binalaan ang publiko laban sa pekeng social media page na nag-aalok ng P10-K ayuda

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa isang Facebook page na nag-a-alok ng financial assistance.

Ayon sa DSWD, ang facebook group na “DSWD Online Tulong 10K Assistance (Ayuda)” ay peke.

Idinagdag ng ahensya na hindi sila nagbibigay ng financial assistance sa pamamagitan ng online.

Bunsod nito, pinayuhan ng DSWD ang publiko na huwag magpaloko sa mga kahalintulad na posts, upang hindi maging biktima ng scam.

About The Author