dzme1530.ph

Private Sector, patuloy na makikipagtulungan sa Pamahalaan

Patuloy na makikipagtulungan sa administrasyon ang pribadong sektor upang maipagpatuloy din ang pag-angat ng employment situation sa bansa.

Sa pagpupulong sa Malakanyang, inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na hangarin nilang maibaba pa ang Unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa pamamagitan ng Job matching, Upskilling, at pagtatatag ng tulay sa Job distribution.

Suportado rin nito ang Certification programs at kolaborasyon sa iba’t-ibang industriya at mga ahensya ng gobyerno  tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO).

Kaugnay dito, sinabi ni PSAC Representative Teresita Sy-Coson na nakakasa na ang Job fairs sa 50 malls ngayong taon.

Mababatid na naitala noong Disyembre 2023 ang 96.9% Employment rate sa bansa na pinakamataas simula noong Abril 2005.

About The Author