dzme1530.ph

Tadian Mountain Province niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang kanlurang bahagi ng Tadian sa Mountain Province kaninang alas 12:20 ng tanghali.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity 3 sa bayan ng Banayoyo sa Ilocos Sur habang Instrumental Intensity 1 sa Aringay at San Fernando City sa La Union at Vigan City Ilocos Sur.

Sa nasabing pagyanig, inaasahan ang pinsala habang wala namang inaasahan aftershock na dulot ng lindol. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News

About The Author