Magiging full-blast na ngayong 2024 ang pagpapatupad ng administrasyon sa transformation agenda, sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Ayon sa National Economic and Development Authority, tututukan ang pagpapabilis sa digital transformation, connectivity, pag-uugnay sa agricultural at industrial sectors sa services sector, at pagpapasigla ng innovation ecosystem.
Kasama rin ang pagpapalakas ng Public-Private Partnerships, at pagpapaigting sa papel ng mga lokal na pamahalaan sa pag-unlad.
Upang maisakatuparan ito, iginiit ng NEDA na kailangang matiyak ang maayos na pangongolekta ng buwis at revenues, itaguyod ang trade at strategic investments habang tinutuguan ang underspending, siguruhin ang availability at abot-kayang presyo ng pagkain, pagandahin ang access sa dekalidad na edukasyon, at isulong ang pagtutulungan ng national gov’t agencies, LGUs, at pribadong sektor para sa pagpapatatag ng mga komunidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News