dzme1530.ph

Higit P21-M halaga ng illegal drugs na natuklasan sa departure area sa NAIA, hawak na ng NAIA-PDEA

Hawak na ng Philippine drug’s enforcement agency (PDEA) ng NAIA-PDEA IADITG ang higit tatlong kilong hinihinalang shabu mula sa dating Club Manila Lounge Massage Area sa NAIA terminal 1.

Ayon kay NAIA-PDEA-IADITG commander Gerald Javier natuklasan ang hinihinalang shabu ng isang forman na si Paul Anthony Padilla habang ginigiba nila ang mga lumang cabinet ng massage area.

Kung saan tumambad sa kanya ang tatlong malalaking improvise pouch na naglalaman ng humigit kumulang na 3,180 grams na hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P21,624,000.00; ang halaga nito.

Patuloy parin nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy kung sinu at paano naipasok sa loob ng establisimento sa departure area ng NAIA terminal 1 ang naturang iligal na droga. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News 

About The Author