dzme1530.ph

Mabigat na daloy ng trapiko, asahan ngayong weekend

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong araw hanggang sa weekend dahil sa payday at Christmas shopping.

Kaugnay nito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan muna ang mamili ngayong Sabado at Linggo, at mainam anila na gawin ito next week.

Sa datos ng ahensya, pumalo sa mahigit 400,000 ang mga sasakyan na dumaan sa EDSA kahapon, kung saan karaniwan na bumibigat ang daloy ng trapiko tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.—sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author