dzme1530.ph

Dating Sen. De Lima, nanibago sa kanyang pagbabalik sa normal na buhay

Sa kanyang pansamantalang paglaya makaraang magpiyansa, nais munang pagtuunan ng pansin ni dating Senador Leila De Lima ang kanyang pamilya bago pag-isipan ang kanyang mga susunod na hakbang.

Kabilang naman aniya sa mga balak niyang gawin ay bumalik sa law practice at magturo sa law school.

Aminado si De Lima na dahil mahigit anim na taon siyang nakakulong ay nanibago siya sa pagbabalik niya sa normal na buhay.

Sinabi ng dating mambabatas na sa unang gabi ng kanyang paglaya ay dalawang oras lamang siyang nakatulog.

Aniya, na-miss din niya ang kanyang detention cell, maging ang kanyang mga pusa sa piitan.

Noong Lunes ay pinayagan ng Korte sa Muntinlupa na makapag-piyansa si De Lima ng P300,000 para sa natitira nitong drug case. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author