dzme1530.ph

Peace and Development Training ng AFP at PNP, ikinasa na sa Cordillera

Ikinasa na ang “Peace and Development Training” ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Cordillera Administrative Region.

Layunin ng 12-araw na pagsasanay ng ilang tauhan ng mga ahensya na mapalakas ang kapabilidad at kaunlaran sa rehiyon.

Tiniyak naman ni Police Regional Office-Cordillera (PROCor) Regional Director for Operation, Police Colonel Elmer Ragay ang buong suporta sa programa, kung saan binigyang-diin nito ang “coordinated approach” sa pagtugon sa seguridad sa lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author