dzme1530.ph

Finalized at revised version ng IRR ng Maharlika Fund, inilabas na!

Inilabas na ang finalized at revised version ng Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act.

Ito ay matapos itong suspendihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang muli itong pag-aralan.

Kinumpirma ng Presidential Communications Office na naka-upload na sa Official Gazette of the Philippines ang revised IRR.

Una nang sinabi ni Marcos na naisapinal na ang IRR ng Maharlika Fund, at sa oras na maaprubahan ay kaagad umanong bububuin ang corporate structure nito para mapatakbo na ang Sovereign Wealth Fund. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author