dzme1530.ph

Tax sa online sellers, target ipataw bago mag-Disyembre

Pinag-aaralan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na simulan ang pagpapataw ng withholding tax sa partner-merchants’ ng online platforms bago sumapit ang Disyembre.

Noong nakaraang linggo ay inilabas na ng BIR ang final draft ng amendments sa Revenue Regulation no. 2-98 na sa kasalukuyan ay hindi saklaw ang income payments ng online platform providers.

Sa ilalim ng final draft, magpapataw ang BIR ng withholding tax na 1% sa kalahati ng gross remittances ng domestic e-marketplace operators sa online merchants para goods o services na binili sa pamamagitan ng kanilang mga pasilidad. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author