dzme1530.ph

Kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng mga imbestigasyon, di apektado sa inilabas na ruling ng Korte Suprema

Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi apektado ng pinakahuling desisyon ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng lehislatura na magsagawa ng mga imbestigasyon in Aid of Legislation.

Ito ay sa gitna ng pagbasura ng Supreme Court sa petisyon ng Senado na kumukwestiyon sa constitutionality ng kautusan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pumipigil sa mga opisyal ng executive department na dumalo sa mga legislative investigation.

Sa desisyon ng Korte, sinabi ng SC En banc na may sariling remedy ang Senate Blue Ribbon Committee para resolbahin ang jurisdictional challenge ng dating Pangulo.

Ipinaliwanag naman ni Zubiri na ibinasura ng Korte ang kaso dahil sa procedural grounds makaraang ideklarang premature ang petisyon dahil maaari muna itong resolbahin ng Senado gamit ang sarili nitong rules.

Kinikilala rin aniya ng naturang desisyon ang kapangyarihan ng kongreso na magsagawa ng Inquiries in Aid of Legislation na mahalaga sa pagbuo ng batas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author