dzme1530.ph

North Luzon Railways Corp., ipina-abolish na ni PBBM!

Tuluyan nang ipinabuwag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang North Luzon Railways Corp..

Sa ilalim ng memorandum order no. 17, nakasaad na natukoy ng Governance Commission for GOCCs ang standards upang tuluyan nang i-abolish ang Northrail, alinsunod sa GOCC Governance Act of 2011.

Sinabing hindi na nakapagpo-produce ang Northrail ng nararapat na income, hindi na nito natutugunan ang objectives o mga adhikain, at hindi na ito cost efficient dahil hindi na ito nakapagbibigay ng sapat na social, physical, at economic returns.

Ito ang mga dahilan kaya’t nauna nang dine-activate ang Northrail noong Mayo 2019.

Tatanggap naman ng separation benefits ang mga opisyal at empleyado na apektado ng pag-abolish sa Northrail. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author