dzme1530.ph

PBBM, naki-salamuha sa Filipino community sa Saudi Arabia!

Naki-salamuha si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino community sa Saudi Arabia.

Mainit na tinanggap ang Pangulo ng libu-libong Pilipino sa Riyadh.

Nagkaroon din ng pagtatanghal ang ilang mang-aawit mula sa Filipino community.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang sakripisyo ng mga OFW kasabay ng paglalarawan sa kanila bilang mahahalagang assets ng Pilipinas.

Sinabi ni Marcos na ang mga OFW ang pinaka-mahusay na kinatawan ng kultura ng Pilipinas sa mundo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author