dzme1530.ph

Pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at UK, tiniyak

Binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangangailangan na palakasin ang parliament-to-parliament cooperation sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag sa pangunguna nito sa Senate delegation sa pakikipagpulong sa kanilang counterpart sa UK sa pamamagitan ng imbitasyon ng British Group Inter-Parliamentary Union.

Kasama ng senate leader sina Senators Grace Poe at Bong Go sa kanilang pakikipagpulong na naglalayong palakasin ang partnership at pagtutulungan para sa pagbalangkas ng democratic principles.

Binigyang-diin ni Zubiri ang pangangailangang palakasin ang defense partnerships sas UK bilang bahagi ng modernization efforts para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Idinagdag pa ng senador na sa pamamagitan ng mga batas tulad ng Ease of Doing Business Act, Public Service Act, at Foreign Investments Act, nakahanda ang Pilipinas na palawakin ang trade partnerships at agreements sa iba’t ibang bansa kabilang na ang UK.

Nangako rin si Zubiri sa pagsusulong ng mas maayos na kompensasyon at hindi kumplikadong requirements para sa mga Filipino healthcare workers sa UK. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author