dzme1530.ph

Campaign period para sa Barangay at SK Elections, nagsimula na

Opisyal nang nagsimula ang sampung araw na campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang mga kandidato para sa naturang halalan ay pinapayagan ng Comelec na mangampanya, simula ngayong Oct. 19 hanggang Oct. 28 o dalawang araw bago ang mismong araw ng Barangay at SK Elections.

Magpapatupad din ng liquor ban simula October 29 hanggang 30 sa ilalim ng Comelec Resolution 10924.

Idaraos naman ang eleksyon sa Oct. 30, simula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author