dzme1530.ph

Kaligtasan ni Congw. France Castro, titiyakin ng Kamara

Handa ang Kamara na bigyan ng security si Congresswoman France Castro matapos itong pagbantaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, sisiguruhin ng Kamara na ligtas ang bawat miyembro nito lalo na kung si Congw. Castro ay magre-request ng security escort.

Sa naging interview kay Duterte pinagbantaan nito si Castro at mga kasama sa progressive bloc na gusto niyang patayin dahil sa isyu ng confidential funds ng Vice President’s Office at Department of Education na kapwa pinamamahalaan ng kanyang anak.

Pinasalamatan naman ni Castro si House Speaker Martin Romualdez at iba pang lider ng Kamara sa pagtiyak sa kanyang kaligtasan matapos nga ang death threat ni Digong.

Pinuri rin nito ang pagkakaisang ipinamalas ng Mababang Kapulungan para labanan at tuligsain ang paninira at pananakot hindi lamang sa kanya kundi sa buong institusyon.

Matatandaan na si Castro at mga kasama nito sa Makabayan bloc ang kumuwestiyon at nagbulgar sa P125-M peso confidential funds ng OVP noong 2022, na ayon naman sa COA nilustay lang sa loob ng labing isang araw. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author