dzme1530.ph

Opisyal na sangkot sa korapsyon, binalaan!

Nagbabala si DILG Secretary Benhur Abalos na ipatatanggal nito sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon at pangongotong.

Ginawa ng kalihim ang babala sa pulong na dinaluhan ng ilang transport groups at mga opisyal ng MMDA, kahapon, kaugnay ng ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA.

Samantala, natanggap na ni Jeff Tumbado, dating executive assistant ni suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang subpoena mula sa NBI, subalit abogado na lamang niya ang haharap.

Pinaghahandaan kasi ni Tumbado ang pagharap nito sa imbestigasyon ng Kamara, bukas, kaugnay ng naging alegasyon niya na may katiwalian sa LTFRB na kalaunan ay kanyang binawi. —sa panulat ni Lea Soriano  

About The Author