dzme1530.ph

1 nawawalang Pilipino sa Israel, nahanap na!

“Accounted for” na o nahanap na ang lokasyon ng isa sa pitong nawawalang Pilipino sa Israel sa harap ng digmaan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian terrorist group na Hamas.

Ayon sa Philippine Embassy in Israel, ang nahanap na Pilipino ay isang babae na napag-alamang nasa ligtas na lugar.

Dahil dito, bumaba na sa anim ang bilang ng mga Pilipinong “unaccounted for” o hinahanap at kino-kontak pa ng embahada.

Patuloy ang embahada sa pagpapaabot ng tulong sa mga Pinoy na inilikas sa mga hotel. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author