dzme1530.ph

Lugar ng umano’y kulto sa Surigao del Norte, iinspeksyunin ng Senado

Magsasagawa ang Senate Committee on Public Order ng ocular inspection sa Sitio Kapihan sa Socorro, Surigao del Norte, ang lugar na tinutuluyan ng sinasabing kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Sa notice ng kumite, isasagawa ang inspection sa susunod na Sabado, October 14.

Magtutungo sa lugar si Committee Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasama ang ilan pang mga senador.

Subalit nilinaw ng kumite na inspeksyon lang sa lugar ang mangyayari at sa Senado pa rin gagawin ang pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa mga isyung ikinakabit sa grupo.

Una nang sinabi ni dela Rosa na nais niyang personal na makita ang sitwasyon sa Sitio Kapihan at makausap ang mga miyembro ng SBSI tungkol sa kanilang kalagayan doon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author